OFW sa Jeddah inahas ang asawa ng kaibigan

Mga Kaagapay nakakalungkot na balita ang sumalubong sa amin kahapon nang ang isa po nating kababayan ay lumapit at humingi ng tulong na mabigyan ng hustisya ang kanyang maybahay dahil umano sa panggagahasa ng isang lasing na lalake sa kanya.

At ang masakit pa nito aking napag alaman na ang kanyang matalik na kaibigan mismo ang siya umanong gumawa nang karumal dumal na krimen.

Sa kuwento ni Juan (hindi tunay na pangalan at asawa ng biktimang si Juana hindi rin tunay na pangalan) sinabi nito na sinamantala ng itinuring niyang kaibigan ang kahinaan ng kanyang may bahay nang kanya itong pasukin sa kuwarto at gawan siya ng kahalayan habang mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog sa sofa.

Hindi na raw namamalayan ng kanyang maybahay ang ginagawa sa kanya nang suspek hanggang sa mahuli ang suspek nang buksan nang isa nilang ka flatmate na si Yena (hindi tunay na pangalan) ang ilaw ayon pa kay Juan.

“Nakita po ni Yena  ang kanilang kinalalagyan na parehas pang nakahubad.” Kuwento pa ni Juan.

Pahayag pani Juan na pag kakita ay napasigaw daw si Yena at agad daw na nilapitan si Juana para isuot ang damit habang ang suspek na nabigla ay agad na humingi ng despensa habang nagsusuot nang pang ibaba na suot at agad na tumakas.

Kinumpirma naman ito ni Yena at sinabi nitong suklam na suklam siya sa ginawa ng suspek.

Hindi na raw niya naisip agad na kumprontahin ang suspek dahil sa natuon ang kanyang atensiyon kay Juana na nakahubad at walang kamalay malay sa nangyayari sa kanya. paglukuwento pa ni Yena.

Sinabi ni Juan na agad naman daw niyang  nilusob ang accommodation ng suspek at inabangan sa labas ng tnitirhan nito pero hindi raw niya ito nakita.

Kuwento pa ni Juan na kanya naman daw nakumpronta ang suspek at umamin sa nangyari.

“Sinabi sa akin nang suspek na kahit na magpabugbog na raw siya sa akin mapatawad ko lang siya sa ginawa niyang kahalayan, hindi po ako pumayag at hustisya ang kailangan namin sa kanya nagawang kasalanan.” Galit na pahayag pa ni Juan.

Sinabi ni Juan na hinding hindi niya makakalimutan ang nangyaring ito sa buhay niya dahil ang kaibigan niya na ituniring pa daw niyang parang kapatid ang gagawa ng kahalayan sa kanyang asawa.

Sinabi ni Juan na mahirap daw talaga na magtiwala kahit kaibigan pa daw dahil sa alam daw niya na madalas nang nangyayari ito sa Kaharian kung saan mayroon na rin daw tayong mga kababayan ang gumagawa nang ganoong klaseng kabastusan.

“Mahirap na magtiwala ultimo mga kumpare o kaibigan kakataluhin ka. Hindi talaga ako makapaniwala na mangyayari rin pala ito sa akin? Galit na pahayag ni Juan.

Sa ngayon ay pinag iisipan pa nilang mag asawa kung paano ang kanilang gagawin para mabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanyang maybahay.